Sunday, April 15, 2012

Chaplet of the Divine Mercy (in Tagalog) - Prayer Guide and Instructional Material

Ayon sa mga ipinahayag na mensahe ng Panginoong Hesus kay Sor Faustina para sa buong daigdig:

"Dasalin sa rosaryo ang mga sumusunod: sa umpisa, isang AMA NAMIN, isang ABA GINOONG MARIA, at isang SUMASAMPALATAYA AKO."

"Dasalin din sa 6 na butil ng 'Ama Namin':
         Ama na Walang Hanggan,
         Iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo,
         Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan
         Mong Anank na si Hesukristo,
         na aming Panginoon at Manunubos,
         Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala
         at sa sala ng buong sansinukob.

"Dasalin sa 53 na butil ng 'Aba Ginoong Maria':
         Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap
         at Kamatayan ni Hesus
         Kaawaan Mo po kami
         at ang buong sansinukob.

"Sa pagwawakas, dasalin nang 3 ulit:
         Banal na Diyos,
         Banal na Puspos ng Kapangyarihan,
         Banal na Walang Hanggan,
         Maawa po Kayo sa amin
         at sa buong sansinukob.
         Amen. 



July 14, 1982

Nihil Obstat:
Rt. Rev. Msgr. Victor R. Serrano, H.P.
Censor

Imprimatur:
Rt. Rev. Msgr. Jose C. Abriol, P.A.
Vicar General


from a prayer card by Divine Mercy Supply Center

No comments:

Post a Comment